Kanser Ng Lipunan Ng Kabanata 34 Noli Me Tangere

Kanser ng lipunan ng kabanata 34 Noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 34: Ang Pananghalian

Kanser ng Lipunan:

Ang pagpapasaring o pagpaparinig sa taong hindi kinalulugdan na kadalasan ay nauuwi sa sakitan. Sa kabanatang ito, mababasa na simula ng dumating si Padre Damaso sa lugar kung saan masayang nanananghalian sina Ibarra ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pasaringan ang binata bagay na nakapikon ng husto rito kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at nasaktan ang kura. Idagdag pa rito, ang paggamit ni Padre Damaso ng kanyang kapangyarihan upang sabihin at gawin ang lahat ng kanyang naisin. Kadalasan, ang mga ganitong pag uugali ay nagagawa lamang ng mga makapangyarihan. Sa kabila ng katotohanan na si Padre Damaso ay hindi na ang kura ng bayan ng San Diego pero nagagawa pa rin niya ang kanyang naisin sa bayang ito.

Sa lawak at lakas ng impluwensya ni Padre Damaso sa mga tao sa San Diego walang sinuman ang magawang siya ay salungatin. Tanging si Ibarra lamang ang nagpakita ng katapangan at paglaban sa kanya. Kaya naman ang ilan sa mga taga San Diego ay humahanga sa katapangang ipinamalas niya. Maging ang kapitan heneral ay humanga sa adhikain ni Ibarra na ipaghiganti ang sinapit ng namayapang ama na si Don Rafael.

Read more on

brainly.ph/question/2114028

brainly.ph/question/1368981

brainly.ph/question/1350968


Comments

Popular posts from this blog

Find A Way To Learn What Each Unfamiliar/Difficult Word Means.

Sinosino Ang Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere Kabanata 21