Si Alex Ay Mag-Aaral Sa Baitang 8. Mahilig Siyang Sumulat At Bumigkas Ng Tula. Paano Malilinang Sa Paaralan Ang Kaniyang Talento Sa Pagtula?, A. Mag-A
Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.
Answer:
Lahat ng nabanggit na pagpipilian.
Explanation:
Ang paglinang ng talento ay nangangailangan ng kombinasyon ng maraming mga paraan. Lahat ng nabanggit ay kasama doon upang si Alex ay masigurng huhusay sa pagtula. Alamin kung paano.
Ang pamamaraan sa Letra A at B ay kasama sa edukasyon na dapat niyang tamuhin. Magbibigay ng espisipikong kaalaman si Alex kung kukuhanin niya ang pangunahing mga turo tungkol sa pagtula gaya ng makukuha niya sa pagpasok sa asignaturang Pamamhayag. Makikita niya dito ang kaibahan ng pagtula sa maraming bahagi ng pamamahayag.
Gayundin, ang pagdalo sa mga seminar ay magbibigay sa kaniya ng mga pinagsama-samang mga teknik para sa mas mahusay na pagtula. Kadalasan ng makukuha niya dito ang mga pamamaraan na may mahusay na pagkakakilala sa mundo ng pagtula. Makakakilala siya dito ng magbibigay sa kaniya ng inspirasyon.
Susundan ito ng Letra D na kung saan ay makakahalubili niya ang mga katulad niya ng talento. Ang mga samahan ng mga manunula ang mangangalaga sa miyembro nito at magbibigay ng mga bagong update sa grupo nila.
Hindi din naman matitiyak ang pagkatuto ni Alex kung hindi niya ito susubukan sa mga pamtimpalak. Iyon ang sinasabi ng Letra C. Ito ang tutulong sa kaniya na harapin ang hamon ng kaba sa mga kompetisyon. Kailangan din natin ito upang kilalanin ang mahuhusay at tumaas pa ang kalidad ng tula sa Pilipinas.
Hindi naman natatapos ito sa isang siklo ng mga nabanggit na mga pamamaraan. Laging hihimukin si Alex na magtakda ng mga tunguhin upang pasulungan ang kaniyang talento. Kaya patuloy siyang dadalo sa mga seminar-workshop, makikialinsabay sa mga proyekto ng kanilang samahan at lalahok sa mga kompetisyon.
Baka sa huli, hindi lamang ang mga awards ang makuha niya bagkus ang pagtingin ng mga baguhan na sundan ang yapak niya.
Mahusay ang mga Pilipino sa pagbigkas ng tula. Bakit? Basahin sa brainly.ph/question/386136.
Ano ang pagkakaiba ng tradisyunal at malayang tula? Basahin sa brainly.ph/question/1201996.
Si Alex ay maaaring nakikilahok na sa mga komeptisyon. Ano ito? Basahin sa brainly.ph/question/60364.
Code: 8.1.1.1.2.
Comments
Post a Comment